Bauan Evacuation Center
Isang payak na pagtitipon para sa Turn Over ng Bauan Evacuation Center at MOA Signing (DRRM Capacity Enhancement Project) sa pagitan ng LGU Bauan, JICA at Office of the Civil Defense (OCD) ang naganap kahapon, Abril 28, 2022 sa Barangay Manghinao Proper.
Bilang host municipality at recipient, malugod na tinanggap ni Mayor Ryanh M. Dolor at Vice Mayor Julian C. Casapao, kasama sina Kgg. Asher Disepeda (Brgy. Capt ng Manghinao Proper), Sir Celio Francia (MLGOO) at mga kawani ng pamahalaang bayan ng Bauan sa panguguna ni Atty. Ava Talag (Mun. Administrator) ang mga natatanging panauhin mula sa National at Regional Offices na kinabibilangan nina RD Maria Theresa R. Escolano (OCD 4A), RD Marcelo Nicomedes Castillo (DSWD 4A), Dr. Carlos Jose Cofreros (DOH CHD 4A), Engr. Maricris Villanueva (DPWH 4A) at kanilang mga kasama.
Mula sa hanay ng mga Department Heads pinangunahan ni EnP Belina M. Montalbo ng MDRRMO at Ma’am Cynthia R. Togle ng MSWDO, ang 2 sa mga pangunahing concern offices, ang pagdalo sa nasabing okasyon.
Lubos ang naging pasasalamat ni Mayor Dolor sapagkat malaki ang magiging kapakinabangan ng nasabing Bauan Evacuation Center para sa mga mamamayan ng Bauan. Hindi lamang ito kanlungan tuwing may magaganap na bagyo at iba pang natural calamities, magsisilbi din itong tanggapan at function area para sa iba’t ibang pambayang aktibidad.
Ayon kay OCD 4A RD Escolano ang Bauan Evacuation Center ay pang Labingtatlo o 13th sa mga turn over na isinagawa nila mula ng pasimulan ang nasabing proyekto.
Bukod sa Turn Over at MOA Signing, naganap din ang paggagawad ng mga Certifications sa Bauan Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO). Mula sa Office of the Civil Defense CALABARZON at Civil Service Commission Region 4A, “Certificate of Appreciation for Public Service Continuity Planâ€Â; “Certification of Compliance for submission of LGU Self-Assessment Tool Kit and MOVs for 22nd Gawad Kalasag Seal and Special Awardsâ€Â; at Certification mula sa offices ng PDRRMO at OCD para sa “MDRRM Plan appropriate to the hazards of LGU at SB approved AIPâ€Â.