Bauan Centenarians

₱100K para sa Bauan Centenarians

Sina lola Cristina Perez, 101 y.o at lola Ramona Sandoval, 100 y.o kapwa residente ng barangay Aplaya ay tumanggap ng cash award na nagkakahalaga ng Php100,000 kahapon, Setyembre 25, 2023.

Sa mandato ng Republic Act 10868 – “An Act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians, and for Other Purposes” o mas kilala bilang Centenarian Act of 2016, nakasaad dito na ang bawat Pilipino na umabot sa edad na 100 ay pagkakalooban ng cash award o “centenarian gift” na nagkakahalaga ng Php100,000 para sa kanilang kahanga-hangang karanasan at tagumpay sa buhay bilang nakatatandang Pilipino.

Ang national program na ito ay mula sa pakikipag-ugnayan ng LGU Bauan sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor sa pamamagitan ng MSWDO at OSCA sa ilang national government agencies.

Pinangunahan ni Ms. Dana Reena Asilo mula sa DSWD REGION IV-A kasama sina G. Quirino Caringal, Bauan OSCA Head at Gng. Bernardita Ilagan, Senior President (Aplaya) at mga staff mula sa Bauan MSWDO ang pamimigay ng nasabing cash award.

Kaugnay dito nagsagawa din kahapon ang DSWD Region IV-A ng validation for Senior Social Pension kung saan 350 seniors mula sa 40 barangays ng Bauan ang na-validate.

#WeAreOneInBauan☝🏻

You may also like...