BAUAN ang Number 1

Champion ang Bauan Women Team sa katatapos lamang na JMI Intertown Volleyball League noong, Agosto 3, 2024 na ginanap sa Tanauan City, Batangas.

Wagi ang Bauan laban sa San Pascual makaraan ang apat na sets. Sa first set pa lamang ay nanguna na ang ating koponan sa score na 25-21 at lalo pang nadomina ang laro pagdating ng 3rd set sa score na 25-14.

Tumanggap ng trophy at cash prize na Dalawang Daang Libong Piso ang ating koponan bilang kampeon ng liga. Samantala ang miyembro ng Bauan Team na si Maria Lourdes Manila ang tinanghal na Most Valuable Player.

All support naman sa kanilang pagdalo at panonood ng final game ang mga officials ng ating bayan sa pangunguna ni Mayor Ryanh Dolor at kanyang maybahay Mayora Wendah Dolor, Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat at SB Members na kinabibilangan nina Kons. Hero Dolor, Kons. Neil Valdez, Kons. Romel Basilan, Kons. Guenn Abante, Kons. Michael Endaya, Kons. Josephine Gimeno at ABC Pres. Tony Caguete.

Sa ngalan ng Team Bauan members lubos ang naging pasasalamat ni Tato Brual, Bauan Sports Coordinator, sa lahat ng nagbigay ng kanilang suporta lalo’t higit kina Mayor Dolor, Vice Mayor Cruzat, dating Congressman Raneo Abu, MDRRMO Belina Montalbo at mga kawani ng LGU na simula pa lamang ng liga ay laging nakaalalay para sa ating koponan. Gayundin kay Kgg. Jay Manalo Ilagan, President – VMLP Batangas Province, sa pagbibigay pagkakataon na makasali ang Bauan sa nasabing paligsahan.

Congratulations, Team Bauan!!!

#SportsLang

#AtletaNgBauan

#WeAreOneInBauan

You may also like...