Ayuda Distribution – Day 2 (October 29, 2024)
Siyam (9) na barangay na kinabibilangan ng Locloc, Manalupang, San Diego, San Vicente, San Agustin, Baguilawa, Sta. Maria, San Miguel at San Roque ang tumanggap ng ayuda kahapon, ika-29 ng Oktubre 2024 para sa ikalawang araw ng distribusyon.
Pinangunahan ni Mayor RYANH M. DOLOR ang distribusyon kasama ang buong Team Dolor na kinabibilangan nina Mayora Wendah Dolor, Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat at Sangguniang Bayan Members, Dra. Reina Abu-Reyes, Jelly Adel, Jem Garcia, at representatives ng mga tanggapan nina BM Wilson Rivera at dating Congressman Raneo Abu.
Ang mga ipinamahaging relief goods ay galing sa ating lokal na pamahalaan gayundin sa iba’t ibang organizations, groups, private companies at business establishments na kusang loob na nagbibigay ng kanilang donasyon.
Sa direktiba ni Mayor Dolor, ang lahat na apektadong barangay ay tatanggap ng ayuda. Pinapayuhan po muli ang ating mga kababayan na hintayin ang abiso mula sa inyong mga barangay officials para sa schedule.