Ayuda Distribution – Day 1 (October 28, 2024)

Mula sa direktiba ni Mayor RYANH M. DOLOR, nagsimulang umarangkada ang pamimigay ng relief goods sa mga kababayan natin na mula sa mga barangay na lubhang napinsala ng nagdaan na #BagyongKristine. Ilan lamang ito sa mga inihandang hakbang ng ating pamahalaang lokal para sa recovery ng ating bayan.

Simula noong araw ng Linggo sa tulong ng mga volunteers at kawani ng LGU isinagawa ang pagpapake ng mga ayuda na ipapamahagi sa bawat barangay. Naging sentro ng gawain at nagsilbing Donation Hub at Relief Operations Center ang Bauan Evacuation Center na matatagpuan sa Brgy. Manghinao Proper kung saan dito ibinabagsak ang mga goods na nanggagaling mula sa donasyon ng mga organizations at iba pang grupo, gayundin ang mga iba pang supplies mula sa ating LGU.

Kahapon, ika-28 ng Oktubre 2024 tumanggap ng ayuda ang barangay San Andres I at San Pedro, dalawa sa mga paunang barangay. Sinundan ito ng ilan pang barangay na kinabibilangan ng Locloc, Manalupang, San Diego, San Vicente, San Agustin, Baguilawa at Sta. Maria na sa kasalukuyan ay may ginaganap ng pamimigay ngayong araw. Sinisikap po ng ating LGU na lahat ng apektado ay mabigyan ng ayuda sa lalong madaling panahon. Kaya po ipinababatid natin sa lahat ng ating mga kababayan na mangyari po na hintayin natin ang schedule para sa inyong barangay.

Ang bayan po ng Bauan ay bukas pa din para sa mga nagnanais na magpaabot ng kanilang tulong at mahalagang donasyon. Asahan po ninyo na tatanawin namin na malaking utang na loob ang lahat ng ito mula sa inyo.

Para po sa inyong mga donasyon, maaari po kayong makipag-ugnayan kay Atty. Ava Talag, Municipal Administrator, sa mga numerong ito – 09452570876 (Globe) at 09625537821 (Smart).

Marami pong salamat.

#PublicServants#ConcernCitizens

#WeAreOneInBauan

You may also like...