Awarding of SCF Checks to SLP Participants
4 na grupo ng mga participants mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ang nabigyan ng tulong pinansyal na ginanap noong ika-13 ng Agosto 2024 sa Bauan Municipal Hall Lobby.
May kabuuang halaga na ₱1,035,000 milyon ang natanggap ng grupo mula sa national fund. Ang programa ay pinangasiwaan ng DSWD-Region katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng lokal na pamahalaan ng Bauan.
Ang grupo na may animnapu’t siyam na miyembro ay kinabibilangan ng Sitio Tubog of Brgy. San Teodoro SLP Association, United Entrepreneurs of Brgy. San Teodoro SLP Association, Kanluran sa Kaunlaran SLP Association at One Bauan SLP Association.
Pinangunahan ang nasabing distribusyon nina Alvin Libjo, Provincial Coordinator – SLP Batangas at Bauan MSWD Officer Cynthia Togle. Nagbigay naman ng kanilang mahalagang mensahe para sa mga participants sina Mayor Ryanh Dolor at Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan na kinabibilangan ni Kgg. Hero Dolor, Kgg. Guenn Abante, Kgg. Michael Endaya at Kgg. Josephine Gimeno.
Ang SLP ay naglalayon na makatulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga tao o grupong nasa laylayan ng lipunan sa pamamagitan nang pagbibigay ng puhunan na gagamitin sa kanilang napiling negosyong pagkakakitaan.