ART EXHIBIT
maSINING ang araw sa Bayan ng Bauan sa pagbubukas ng Art Exhibit: ALAB 8 – Ating Likha Alay sa Bauan na isinagawa ngayong ika-25 ng Abril, 2025 sa Municipal Hall Lobby.
Naging parte ng okasyon ang mga panauhin mula sa LGU Bauan na kinabibilangan nina Kgg. Leon R. Ramos Jr., SB Chairperson on Tourism, Culture and Arts; Kgg. Romel B. Basilan, Acting Municipal Mayor; Atty. Ava C. Talag, Municipal Administrator; Engr. Eufemia D. Bautista, Municipal Tourism Officer; at mga kawani ng pamahalaan. Samantala naging panauhing pandangal si Gng. Steph Landicho-Ona, ang OIC ng Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, na nagbigay ng mahalagang mensahe para sa lalong ikauunlad ng kultura at sining sa ating bayan.
Sa kanyang ikawalong taon, ang proyektong sining ay nagtatampok ng mga obra maestra mula sa mga malikhaing miyembro ng art groups na kinabibilangan ng Arte Bauan at Arte Likha.
Ang exhibit ay matatagpuan sa Bauan Municipal Hall Lobby simula ngayong araw, April 25 hanggang May 5, 2025, sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.

























































