Anunsyo Publiko
Mula sa direktiba ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor at alinsunod sa Memorandum Circular No. 114-26 ng Office of the President, ipapatupad sa LGU Bauan ang 4-Day Compressed Work Week na magsisimula ngayong Lunes, Marso 23, 2026.
Ang mga tanggapan sa ating munisipyo ay bukas sa publiko sa ganap na 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, Lunes hanggang Huwebes lamang.
Subalit ang mga tanggapan na kabilang sa emergency at frontline services ay magpapatuloy sa regular working schedule.
Para sa kaalaman at gabay ng lahat.
Marami pong salamat.



