Alalay mula sa AKAY NI SOL PARTYLIST

Cong. Sol Aragones ng AKAY NI SOL PARTYLIST Patuloy ang Pagtulong sa mga PWDs sa bayan ng Bauan

Ilang miyembro ng Bauan Association of Persons With Disability ang napagkalooban ng food cart package mula sa Akay Ni Sol Party-list kahapon, June 6, 2024.

Sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor malugod na tinanggap ni Municipal Administrator Atty. Ava Talag ang mga panauhin mula sa Office ni Cong. Sol Aragones sa ginanap na distribution of package assistance. Kabilang sa sumalubong sa mga bisita sina MSWD Officer Cynthia Togle, Nelson Adante ang Presidente ng PWD Association, at ilang members nito. Hindi man nakarating ang kongresista upang personal na maibigay ang kanyang tulong, naroon naman ang mga staff ng kanyang tanggapan sa pangunguna ni Mr. Joframel Remoblas kasama ang mga vloggers na sina Kuya Ching at Big Boy Eric.

Ang hanapbuhay package ay kinabibilangan ng food cart, tangke ng gasul at mga ready to cook street foods tulad ng fish balls, squid balls, kikiam at iba pa ay may kabuuang halaga na Thirty Thousand Pesos. Ang donation ay mula sa kahilingan ni G. Adante na kaagad namang pinaunlakan ng nasabing partylist.

Naging lubos ang pasasalamat ng mga beneficiaries na kinabibilangan nina Edna Pablo mula Brgy. Poblacion 4, Rico Hugno ng Brgy. Balayong at Agnes Adante ng Brgy. San Teodoro, sa programang ito ng partylist. Ayon sa kanila malaki ang maitutulong nito sa kanilang kabuhayan sapagkat hindi lamang sila magkakaroon ng maayos na hanapbuhay manapa ito ay isang siguradong pagkakakitaan.

Marami pong salamat, AKAY NI SOL PARTYLIST.

You may also like...