ALAB Pwersa Para sa Kabataan ng Bauan
Tagumpay ang isinagawang walk for cause activity ng Alay Lakad Association of Bauan nitong Sabado, Oktubre 22 sa pangunguna ng kanilang President, dating Congressman Raneo E. Abu kasama lahat ng officers, directors at advisory council nito.
Lumakad, nag volunteer para sa kaayusan ng parada at nagbigay ng kanilang suportang financial ang iba’t ibang samahan o grupo at personalidad na kinabibilangan nina Mayor Ryanh Dolor at Mayora Wendah, Vice Mayor Ronald Cruzat, SB Members, BM Wilson Rivera, BM Arlin Magboo at mga kawani ng LGU Bauan; barangay councils and functionaries; NGAs; mga estudyante at guro mula sa public schools ng East at West Bauan Districts at private schools; ALFAS Grantees; CSOs, radio groups, PWDs, seniors, vendors association, TODA at cooperatives; at business establishments and companies.
Isa sa pinakahintay na daloy ng programa ay ang mahalagang mensahe mula kay Mayor Dolor bilang Honorary Chairman ng ALAB. Subalit hindi lamang mensahe ang kanyang inilaan, kasama ang kanyang maybahay Mayora Wendah kaagad din silang nagbigay ng donasyon na nagkakahalaga ng Isandaang Libong Piso.
Buong kasiyahan naman na ipinagmalaki ni ALAB Pres. Abu ang tagumpay ng nasabing proyekto sa nakalap nitong donation in cash and pledges. Lubos ang kanyang naging pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng programa lalo’t higit sa nahirang na Guest Speaker na si G. Christian Martin R. Gonzalez ang Executive Vice President ng ICTSI na kinatawanan ng Gen. Manager ng BIPI na si G. Ferdinand Magtalas, na nagpaabot ng halagang Tatlumpung Libong Piso na donasyon.
Katulad ng taunang nakagawian naging tampok sa programa ang pagpili sa Mutya ng Alay Lakad kung saan ang muse ng DepEd ang siyang nagwagi.
“Alay Lakad para sa Kabataan, Tungo sa Maunlad na Kinabukasan†ang siyang naging paksa ng programa na may layuning patuloy na makapagbigay tulong sa mga kabataang Bauangueño.