ALAB : “An Art Exhibitâ€
















































Pormal na pagbubukas ng ALAB (Ating Likha Alay sa BAUAN) Year 6 sa Bauan Municipal Hall, kahapon, Abril 24.
Dumalo sa nasabing okasyon sina Vice Mayor Ronald E. Cruzat at mga SB Members sa pangunguna ni Kgg. Leon R. Ramos Jr., (Chairperson ng Comm. on Tourism, Culture and Arts), maybahay ni Mayor Ryanh Dolor na si dating SB Member Mayora Wendah Dolor, mga kawani ng LGU at mga natatanging panauhin ng Art’e Bauan.
Ang mga exhibits mula sa ‘obra de arte’ ng samahang Art’e Bauan, Art’e Likha at BAGSIK ay magpapatuloy hanggang Mayo 05, 2023 bilang pakikiisa ng mga grupong nabanggit sa pagdiriwang ng Fiesta ng Bauan.
Sapagkat ang ating bayan ay lubos ang pagpapahalaga sa sining at kultura kung kaya’t ang mga ganitong aktibidad ay binibigyan ng importansya.
#WeAreOneInBauan