Agarang SERBISYO PUBLIKO

AGARANG SERBISYO PUBLIKO

Sa direktiba ni Mayor RYANH M. DOLOR, nagsagawa ng monitoring ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) Council sa mga apektadong barangay sa bayan ng Bauan.

Ilang pamilya ang nailipat sa mga evacuation centers na kinabibilangan ng schools at MDRRM Office, habang patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng MSWDO sa estado ng iba pa na posibleng ilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Sa kasagsagan naman ng operasyon, nakatanggap ng report ang Council na humihingi ng assistance ang pamunuan ng Sagip Buhay na matatagpuan sa Poblacion II sapagkat napasok ng tubig baha ang kanilang lugar at lubhang naapektuhan ang kanilang mga residente. Kung kaya sa magkasanib na pwersa ng Bauan BFP, Bauan MDRRMO at Bauan PNP kaagapay ang Municipal Administrator kaagad na nagsagawa ng extraction. Pansamantalang mananatili sa Travelers Hotel ang 9 na indibidwal na kinabibilangan ng 8 seniors at 1 special child. Matapos silang ma-relocate ay kaagad silang na check up ng Municipal Health Office habang nagtalaga din ang LGU ng nurses at social workers na siyang magbabantay at mangangalaga sa mga apektado. Magsasagawa naman ng washing out at flushing sa binahang building ang GSO sa tulong ng Bauan BFP.

Maaga pa lang ay nag clearing operations na ang Municipal Engineering Office sa ilang lugar partikular sa mga kalsada na hindi madaanan dahil sa mga natumbang puno, poste at iba pang debris na nakahara sa daan. Gayundin nagkaroon ng unclogging ng mga kanal at drainage sa buong Poblacion area at Barangay Sinala.

Patuloy pa rin ang gagawing pagbabantay ng buong Council ngayong magdamag sa nagaganap na sitwasyon na dulot ng TS Kristine.

#WeAreOneInBauan

You may also like...