1st SILAKBO ART COMPETITION
Bayan ng Bauan. Naging matagumpay ang 1st SILAKBO “Sining Laging Aalalay sa Kultura ng Bayan at Organisasyon†Art Competition na may Tema: Larawan ng Kagandahan ng Bauan na nilahukan ng labing pitong Bauangeño, edad 17 – 30 taong gulang na may angkin galing at husay sa pagguhit.
Ito ay sa inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng Bauan sa pangunguna ng punumbayan Kgg. Ryanh M. Dolor at sa pakikipagtulungan ng ARTE BAUAN na pinamumunuan ni G. Loriel “YELCAST†Castillo at Project Coordinator na si G. Kunst Bill Perez.
Nagbigay inspirasyon sa mga kalahok ang mga gabay at pangaral na nagmula sa mga panauhin pandangal sa katauhan nina G. Frederick Epistola at G. Joseph Albao. Ibinahagi naman ni G. Jerwind Magnaye bilang Art Workshop Speaker ang mga pangunahing kaalaman sa pagguhit na dapat ito’y magmula sa kanilang puso, imahinasyon, damdamin at galaw ng kanilang mga kamay na magbibigay kulay sa Sining ng bawat Bauangeño.
Dumalo din sa programa at nagbigay ng mensaheng pang-inspirasyon si Acting Vice Mayor Kgg. Ronald E. Cruzat at Konsehal ng Bayan Kgg. Leon R. Ramos Jr, Phd.