Bauan Pasok sa Final List ng GFH Passers
Mula sa masusing pagtalima sa Full Disclosure Policy, isa ang bayan ng Bauan sa mga munisipalidad sa lalawigan ng Batangas na nakasama sa Final List of Good Financial Housekeeping Passers mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Mahalaga ang GFH dahil ito ay isa sa mga assessment areas para makamit ng isang LGU ang Seal of Good Local Governance.


