47th National Disability Rights Week
ππππ‘ ππππππππ ππππππππππ ππππππ ππππ, ππππππππππππ!
Masayang ipinagdiwang kahapon araw ng Martes, Agosto 12, 2025, ang 47th National Disability Rights Week na may temang: βInnovation for Inclusion: Building Inclusive Communities Togetherβ na inorganisa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang Bauan Association of Person with Disability (BAPDI) sa covered court ng Poblacion II.
Ang programa ay dinaluhan ng mga persons with disability (PWD) kasama ang kanilang magulang; mga kawani ng MSWDO sa pangunguna ni Gng. Ma. Nobelle Villanueva; G. Nelson Adante, BAPDI President; mga opisyales mula sa Sangguniang Bayan ng Bauan na sina Kon. Josephine Gimeno (Committee Chairperson on Persons with Disability), Kon. Marjorie Jelly Adel, SK Federation Pres. Jenisse Jade Aguilera, Konsehal-elect Hero Dolor, Vice Mayor-elect Ronald Cruzat, at acting Vice Mayor Guenn Abante; Dr. Celio Francia MLGOO Bauan; G. Harold Padura, Provincial PDAO Focal Person; at G. Ronel Del Rio, isang PWD advocate. Nagpaabot din ng kanilang mensahe sina Bokal Jently Rivera at Bokal Dra. Reina Abu-Reyes na mga kinatawan ng ikalawang distrito sa Sangguniang Panlalawigan, gayundin si dating Bokal Wilson Rivera.
Sa mensahe ni G. Padura, ibinahagi niya ang apat (4) na punto: (1) Ang kapansanan ay hindi kawalan ng kakayahan, sapagkat ang kapansanan ay hindi hadlang sa katalinuhan, sa talento, sipag, at ambisyon; (2) Ang karapatan ay hindi dapat ipinaglalaban, dapat ipinagkakaloob β dahil kung tunay na iginagalang ang karapatan ng bawat isa ay dapat awtomatikong ibinibigay ang sa mga PWD; (3) Ang inklusyon ay dapat nagsisimula sa atin, hindi lamang sa istruktura kundi pati sa isipan, puso, at sistemang umiiral sa lipunan; at (4) Ang pamilyang may PWD ay bayani rin dahil hindi dapat kalimutan ang mga ina, ama, kapatid, at kamag-anak na araw-araw ay nagmamahal at umaalalay sa mga PWD. Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, winika niya na, βSa bawat PWD na narito, saludo ako sa inyong tapang at determinasyon. Sa LGU, guro, health worker, opisyal, at mga magulang, nawaβy patuloy nating itaguyod ang mga polisiyang may puso at prinsipyo.β
Bilang pagbibigay suporta, namigay ang MSWDO ng 152 school supplies kit na naglalaman ng notebooks at intermediate pad, lapis at ballpen, glue, krayola, at gunting. Gayundin naman ay namigay ng bigas sa mga batang may kapansanan sina Bokal Rivera at Bokal Abu-Reyes.
Ang National Disability Rights Week ay ipinagdiriwang kada taon alinsunod sa Presidential Proclamation No. 597, s. 2024, na naglalayong mas palawakin pa ang kaalaman at kamalayan ng publiko ukol sa mga karapatan ng bawat taong may kapansanan. Tinitiyak din ng pamahalaang bayan ng Bauan na mayroong pantay-pantay na oportunidad at malasakit para sa mga PWD β isang patunay na ang mga ganitong programa at polisiya ay sinusuportahan ng LGU sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor.








































