2026 National Women’s Month Celebration

Marso 26, 2026 – Ipinagdiwang ang Municipal Women’s Month Celebration na may temang “We for Gender Equality & Inclusive Society” sa Hon. Julio M. Cruzat Mini Coliseum, Poblacion IV, Bauan.

Nakilahok dito ang mga kababaihan mula sa mga barangay ng Bauan at bahagi ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI). Ilan sa mga naging aktibidad dito ay ang pagsasayaw ng zumba at ang paligsahan sa iba’t ibang luto ng tulingan. Dumalo rin sa programa sina Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor at Bokal Jently Rivera bilang pagsuporta sa mga adhikain at pagbabahagi ng importansya ng mga babae sa lipunan.

Punong abala naman sa paghahanda ng iba’t ibang luto ng tulingan ang mga kalahok sa isang patimpalak sa pagluluto na kung saan bawat barangay ay may kanya-kanyang grupo na hinati sa limang (5) pangkat.

Pangkat 5 (Alagao, Bolo, Gulibay, San Roque, Durungao, Rizal, Inicbulan, Sinala) ang nagwagi bilang Champion sa naturang patimpalak kung saan nakatanggap sila ng markang 95.6% mula sa mga hurado. Pinagmalaki nilang putahe ang ‘Crunchy Tulingan’, ‘Shanghai Tulingan Balls’, at ‘Sisig Tulingan.’

Samantala, 1st Runner-up naman ang Pangkat 4 (Magalang-Galang, Orense, Colvo, Bagong Silang, Sampaguita, Pitugo, San Pedro, Sta. Maria) na nakakuha ng markang 91.6%; at 2nd Runner-up ang Pangkat 2 (Poblacion I, II, III, at IV, San Miguel, As-Is, Balayong, Cupang) na may markang 90.3%.

Pinapahalagahan ng pamahalaang lokal ng Bauan ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan at pagkakaroon ng mga aktibidad na nakatuon dito sapagkat ito’y nakaugat sa pagkilala sa papel ng mga babae sa komunidad at ang kanilang kontribusyon sa iba’t ibang sektor. Layunin din nito ang paghikayat sa mga kababaihan na maging inobatibo at makibahagi sa pag-unlad ng bansa alinsunod sa mga probisyong inilatag ng saligang batas.

You may also like...