14th KOOPQUIZ
BNVIHS, Nanguna sa Municipal KoopQuiz 14th Blast
Nagwagi bilang kampeon si Erich Faye Mendoza, mag-aaral mula sa Bauan National Vocational Integrated High School sa isinagawang Koop Quiz – Municipal Level noong ika-3 ng Oktubre 2025 sa Bauan Municipal Hall. Walong Grade 10 students ang nakilahok sa paligsahan.
Bagaman may kasabay na equally important na okasyon noong araw na iyon ay minarapat ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor na dumalaw upang makapagbigay ng kanyang mahalagang mensahe at pagsuporta sa programa. Sa nakita niyang pakikipagkaisa ng bawat schools kusang loob siyang nagpaunlak ng cash prizes bilang pasasalamat sa bawat contestants at coaches na sumali sa kompetisyon.
Si Mendoza ay siyang magiging representative ng Bayan ng Bauan sa Provincial KoopQuiz na gaganapin sa darating na Oktubre 10, 2025 sa Batangas Provincial Capitol. Ang taunang Bauan Municipal KoopQuiz ay isinasagawa sa pangunguna ni Engr. Eufemia Bautista, Municipal Tourism Officer at designated CDO.
Ipinagdiriwang sa buong bansa ang Cooperative Month tuwing Oktubre.



























