𝑺𝒊𝒎𝒖𝒍𝒕𝒂𝒏𝒆𝒐𝒖𝒔 𝑬𝒂𝒓𝒕𝒉𝒒𝒖𝒂𝒌𝒆 𝑫𝒓𝒊𝒍𝒍
“𝕊𝕒 𝔹𝕒𝕪𝕒𝕟 𝕟𝕘 𝔹𝕒𝕦𝕒𝕟, 𝕎𝕒𝕝𝕒𝕟𝕘 𝕄𝕒𝕚𝕚𝕨𝕒𝕟”
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bauan ay nagsagawa ng isang 𝑺𝒊𝒎𝒖𝒍𝒕𝒂𝒏𝒆𝒐𝒖𝒔 𝑬𝒂𝒓𝒕𝒉𝒒𝒖𝒂𝒌𝒆 𝑫𝒓𝒊𝒍𝒍 kahapon, ika-22 ng Oktubre, 2025. Lumahok sa nasabing drill ang ilang public at private sectors ng ating bayan.
Ito ay bilang pagtalima sa panawagan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council PDRRMC) na pinagtibay ng Resolution No. 10 Year 2025 kung saan hinihikayat ang lahat ng lungsod, munisipalidad, barangay, national government agency, pribadong sektor at iba pang stakeholders sa Lalawigan ng Batangas na magsagawa at aktibong makilahok sa isang Provincewide Earthquake Drill.
Bago pa man ang nasabing aktibidad, nagkaroon din ng earthquake awareness information drive sa bayan ng Bauan noong Lunes, Oktubre 20. Mula sa direktiba ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, Chairperson ng Local DRRMC, ang nasabing lecture ay isinagawa ni EnP Belina Macuha-Montalbo, MDRRMO. Layunin nito na makapagbigay ng sapat na kaalaman at mga paalala kung sakaling dumating ang nasabing sakuna.
𝘔𝑎𝘴 𝘭𝑖𝘨𝑡𝘢𝑠 𝑎𝘯𝑔 𝑚𝘢𝑦 𝑎𝘭𝑎𝘮 𝘢𝑡 𝑙𝘢𝑔𝘪𝑛𝘨 𝘩𝑎𝘯𝑑𝘢!













































